Google Facebook Twitter

Jul 29, 2015

Yaya Dub of Eat Bulaga vs Ryan Rems Sarita of It's Showtime

Jan Paula Plamenco     7/29/2015  11 comments

Kahit san ka magpunta ngayon dito sa Pinas, imposibleng wala kang marinig na "Yaya Dub" o kaya "Rock 'n roll to the world!"

Bentang benta ngayon ang dalawang komedyanteng ito na magkaibang magkaiba ang paraan ng pagpapatawa. Ang pagkakapareho lang nila, pareho silang walang pinagdaanang workshop at pareho silang bigla nalang sumulpot. Kumbaga, "bagong alas" ng magkalabang Eat Bulaga at Showtime.

Pareho ko na silang napanood. At aaminin ko, pareho nila akong napatawa ng sobra. Hindi lang talaga maiwasan na ikumpara sila dahil bukod sa pareho silang bago at mabenta sa masa, magkaibang magkaiba kasi yung style nila.

Pang mababaw na tao lang daw si Yaya Dub (I disagree) at pang matalino daw si Ryan Rems Sarita. Madami din ang nagsasabi na kapag hindi ka daw natawa kay Ryan, bobo ka daw. Oi tropang Rems, pakilala mo naman samin yung alaga mong kabayong si Marley Bob. Oraaaayt!

May mga nagsasabi naman na mas ok daw si Yaya Dub dahil chill lang at magaan sa pakiramdam panoorin. Madami din ang gustong gusto sya dahil sa bukod sa madaming adik sa dubsmash, sobrang kulit daw kasi ng muka na tipong matatawa ka nalang. Tingnan nyo naman, ang cute cute nya at kanyang "pabebe wave."



Si Yaya Dub ang Dubsmash queen ng Pilipinas. Lumalabas sya sa segment na Problem Solving ng Eat Bulaga bilang yaya ni Lola Nidora (Wally Bayola) at lahat ng pakikipag usap nya ay sa pamamagitan ng pag dubsmash. Lalo pa syang nakilala at minahal ng masa nung naging ka loveteam nya si papa Alden Richards at tinawag silang ALDUB.


At ito naman si Ryan Rems Sarita. Isa syang contestant sa segment ng It's Showtime na Funny One. Matatawa ka talaga sakanya bukod sa "sabaw" nyang muka habang nagsasalita eh kakaiba yung mga jokes nya. "Sabi ng taxi driver, pano ba yan sira ang metro ko? Sabi ko naman, pano yan sira ang ulo ko? Oraaaayt!! Rock 'n Roll to the world!"






Ikaw? Sino ang bet mo? :)

CHECK THIS OUT -> YAYA DUB 101: 20 Things You Need to Know About Maine Mendoza

--> WALLY BAYOLA a.k.a LOLA NIDORA Deserves a Salute!

, ,

11 comments :

  1. Feel free to leave your comment :)

    ReplyDelete
  2. Yaya dub pang jologs!

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung manong rems mo pang batang hamog

      Delete
    2. yung manong rems mo pang batang hamog

      Delete
  3. Chill lang mang kanor. Yung picture mo nakakatakot

    ReplyDelete
  4. Idol ko sila parehas pero ayoko lang sa ibang taong nagsasabi na pang matalino daw yung joke nya hahaha

    ReplyDelete
  5. sorry hinde ka level ni yaya dub yan! :)

    ReplyDelete
  6. icompare daw ba high iq daw ang joke baka pang high na tao kamu.. nsobrahan.. ung pang matalinong joke kay brod pete lang un.. ung sa kanya joke nang pang tambay.. asus

    ReplyDelete
  7. bobo lang ang ngkokompara.. luh apektado kay yaya dub.. LOL!:)

    ReplyDelete

Proudly Powered by Blogger.