Google Facebook Twitter

Aug 13, 2015

Coco Martin Deserves a Salute

Jan Paula Plamenco     8/13/2015  No comments

Today, 14th of August 2015, isang very inspiring na tao ang napanood ko sa Kris TV. At nakita ko din sa mga mata ni Kris Aquino, na pati sya ay nabilib sa taong ito.

Kilala natin si Coco Martin bilang isang artista, isang magaling na aktor at director na palagi lang nakikita sa tv at sinehan. Pero ngayon, gusto kong malaman ng mga tao kung gaano sya dapat hangaan at tularan.

Aaminin ko, hindi ako mahilig manood ng tv. Hindi ako mahilig sa artista. Minsan nga, inaasar pa ako ng mga kapatid ko dahil outdated ako sa mga sikat ngayon. Pero kanina, sinabayan kong manood ng Kris TV ang aking kapatid, at sobrang thankful ako na napanood ko yun. Sobrang inspiring at magaan sa pakiramdam. At honestly, hindi naman ako super fan ng taong ito. Ngayon, I am proud to say na fan na nya ako pero hindi dahil sa pagiging artista nya. Magaling talaga syang actor, hindi naman sya mananalo ng napaka daming awards kung hindi sya magaling. Kumbaga, given na yung pagiging magaling nyang artista.

Pero, mas dapat syang hangaan bilang isang tao, bilang isang anak, bilang isang kapatid, bilang isang tao na mahal ang Diyos. Sa mga hindi nakapanood at baka sakaling maligaw sa website na ito, gusto kong makilala nyong mabuti si Coco Martin. Gusto kong makilala nyo sya dahil sa isang dahilan: Gusto kong maging inspirasyon nyo din sya.


with his grandmother
Katulad ko, si Coco Martin ay lumaki kasama ang lola. Naghiwalay din ang mga magulang nya mula bata pa sya. Pero hindi yun naging dahilan para masira ang buhay nya. Naging inspirasyon nya ang lola nya, dahil mula bata palang sya, nakita nya kung gano ito kasipag. Yun din ang naging dahilan kung bakit lumaki syang napaka sipag. Naging waiter sya. Naging indie film actor na kumikita ng maliit. Na imbis mawalan ng pag asa at mawalan ng gana sa trabaho, lalo pa syang nag sipag sa trabaho. Sabi nya, "Pagkatapos ng shoot, kinakapa kapa pa namin yung sobre kasi nagpapakiramdaman kami sa swledo." Pati ako, medyo nagulat na maliit lang pala ang sweldo sa indie film.

Nagpunta din sya sa Canada at sumubok na doon magtrabaho. Tumagal lang sya ng 9 months. Sabi pa nya, "Nahiya pa nga ako umuwi kasi promise ko sa mga kapatid ko, hindi na ako uuwi." Ganun nya kagusto kumayod at kumita ng maayos para sa mga kapatid nya. Ganun nya kagusto bigyan ng maayos na buhay ang mga kapatid nya.

Ilang beses syang na reject sa mundo ng showbiz. Ilang beses syang muntik sumuko. Pero naniniwala ako, kung ano man ang meron sya ngayon at kung ano man ang narating nya, God's will lahat yun. Lahat din ng rejections at failures nya noon, naniniwala ako na hinanda lang sya ni God. Isa syang mabuting tao, na may pangarap para sa pamilya nya, kaya imposibleng pabayaan sya ng Diyos. 

Ngayon, meron syang napaka laking bahay at maayos na trabaho.

Yes, this is Coco's home
Hiwalay man ang mga magulang nya, sinigurado nyang kasama nya sa bahay ang nanay at tatay nya. Sa napaka laking bahay ni Coco, may tig isang kwarto ang nanay at tatay nya. Lahat ng mga kapatid nya, may sariling kwarto din. Meron pa syang isang kapatid na may pamilya na, binigyan nya din yun ng sariling place sa bahay nya. Hindi lahat ng taong katulad nya, na sumikat at yumaman, na nagkaroon ng napaka laki at napaka gandang bahay ay maaalala at aalagaan pa din ang pamilya.

Narinig ko na sinabi ng manager nya, na matipid daw kasi si Coco kaya sya nagkaroon ng ganun kalaki at kagandang bahay. Para sa akin, matipid sya in a way na alam lang nya kung saan at kelan gagamitin ang pera nya. Kung makikita nyo, hindi nya tinipid ang pamilya nya. Hindi nya pinabayaan ang mga magulang nya. Sobrang nakakablib na hindi pala mahilig lumabas at gumimik si Coco, alam nya talaga kung ano ang priorities nya. Ultimo mga damit nya, kapatid nya ang nag aayos. Can you imagine kung gano sila kasaya at kasimple sa loob ng bahay?

Sobrang linis pa nitong si Coco. Sobrang linis na bahay at sa katawan, mas malinis pa sa ibang babae. Nasabi pa ni Kris nung hinawakan nya yung wall ng bahay ni Coco, "Paano name-maintain 'to? Tinu-toothbrush? My God, sobrang linis." At nagpapaayos pa pala sya ng church. Pinapa pinturahan nya yun palagi para daw maganda tingnan. OC much noh? :) Super bait.

At sabi nga ni Kris, isa nalang daw ang kulang - Girlfriend. Coco Martin deserves someone na hindi basta bastang babae. In God's perfect time, naniniwala ako na dadating yung dream girl nya. He has a very good heart, imposibleng hindi yun ibigay sakanya. He will have the best wife and kids very soon.

To you, Coco Martin, thank you for being an inspiration to everyone. Stay simple and humble. I salute you.



P.S.
To my readers, don't be shy to leave a comment po. I'll get back to you! :)


Check these out:
KathNiel vs LizQuen
Yaya Dub vs Ryan Rems Sarita

,

0 comments :

Proudly Powered by Blogger.