Google Facebook Twitter

Aug 2, 2015

Kathryn and Daniel vs Liza and Enrique

Jan Paula Plamenco     8/02/2015  No comments

Walang kabataang pinoy ang hindi kilala ang dalawang magka loveteam na ito. May kanya kanya tayong pananaw kung bakit natin gusto ang isang bagay. At pagdating sakanila, sure ako na may kanya kanya din kayong dahilan kung bakit team LizQuen kayo or kung bakit KathNiel.

Unahin natin ang LizQuen. Hindi mapagkakaila kung gano ka ganda si Liza. Kilalang kilala sya ngayon sa mundo ng showbiz. Kahit nga mga artista, gandang ganda talaga sakanya. Minsan pa ngang nag comment si Anne Curtis sa isang picture nya at sinabing, "super duper ganda." Halos lahat ng magaganda sa showbiz like Solenn Heusaff eh gandang ganda sakanya. Kahit si Pauleen Luna na taga kabila, ginaya pa talaga si Liza at proud na sinabing idol nya ito. Yes obviously, celebrities are gushing over her.

At syempre, kilala din naman natin si Enrique sa galing nya sa pagsayaw at madami din ang talagang gwapong gwapo sakanya. Hindi daw nila expected na bigla silang tinangkilik at minahal ng tao. Nagulat nalang daw sila isang araw na bigla nalang dumami ng dumami ang dumadalaw sa set. Ito ngang si Liza, hindi nya alam kung gano sya kaganda. Yun siguro ang gusto ko sa dalawang ito, humble at hindi mataas ang tingin sa sarili.

Si Kathryn at Daniel naman? Naku! Kahit nanay ko gwapong gwapo kay Daniel. Hahaha! At aaminin ko, syempre ako din :) Kahit mga kapatid ko, ganun din. Lahat kami actually. Hehe. May something naman talaga itong si Daniel. May kilig factor daw kahit nagsasalita palang sya. Yung angas look nya talaga ang nagpapakilig sa mga bagets ngayon. Sabi nila, mayabang lang daw tingnan ang batang ito, pero super nice naman daw talaga at makulit.

At si Kathryn naman, what I love most about her ay yung maganda nyang face, smile, at galing nya sa pag arte. Ang sarap panoodin ng movies nila eh. Feel good movies talaga lahat. At pag iniinterview sila, ang kulit lang nila panoodin. So ayun. :)

Kahit ano man ang dahilan nyo or kahit sino man ang mas bet nyo, remember mga dear teenyboppers ha: Hindi naman kailangan mag away. At always know your priorities. Naks :) 

,

0 comments :

Proudly Powered by Blogger.