Google Facebook Twitter

Sep 5, 2015

Alden Richards: May Sikreto ang Biglaang Pagsikat? Click Here

Jan Paula Plamenco     9/05/2015  No comments


ALDEN RICHARDS

Ano nga ba ang sikreto ng biglaang pagsikat ni Alden Richards? Sa kabila ng lahat, ito na lang ang nasabi nya, "Actually, hindi ko po talaga ineexpect ang mga nangyayari ngayon. Pero I'm just so thankful."

Bentang benta ang love team nila ngayon ni Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub hindi lang sa buong Pilipinas kundi sa buong mundo. Disagree? You can do a little research at makikita mong trending sila worldwide. Hindi naman ako magsusulat ng blog tungkol sakanya kung hindi din ako nagulat. :)

Madami akong nahingan ng opinion tungkol sa biglaang pagsikat nya. Matagal na sya sa GMA pero isang araw, bigla nalang syang sumikat ng sobra na pati mismo sya ay hindi makapaniwala.


Noon: Halos itapon na si Alden ng GMA dahil hindi "daw" magaling umarte.
Ngayon: Biglang sobrang VIP na sya at mahal na mahal na ng GMA.

Noon: Kung sino sinong sikat na ang dinikit gaya ni Marian Rivera, pero "na laos" pa din daw agad.
Ngayon: Walang movie or kahit anong teleserye pero mas tinitilian pa at mas sikat kesa iba. Number 1 today!

Noon: Halos saling pusa lang sa Eat Bulaga bilang isang host. Minsan lang pagsalitain.
Ngayon: Alagang alaga ng Eat Bulaga at palagi pang may grand entrance. Napupuno ng tao ang broadway hanggang sa labas ng dahil sakanya at kay Yaya Dub.

Noon: Hindi sobrang sikat na tipong kapag binanggit ang pangalan gaya ni Daniel Padilla ay kilala agad.
Ngayon: Trending worldwide ang Alden/Yaya Dub loveteam (Aldub) at kahit si Daniel mismo ay fan ni Yaya Dub. Models hanggang magbabakal bote, kilala si Alden ngayon.

Ngayon, nag number 1 na sa iTunes Philippines ang single nyang Wish I May sa loob lang ng isang gabi. (Yes, hindi man sya magaling na singer pero again, number 1 'to dahil napaka daming nagmamahal sakanya.)

Sa palagay nyo, sumikat nga ba sya ng ganito dahil sa pagkaka dikit ng pangalan nya kay Yaya Dub? Para sakin, wala ding Yaya Dub kung walang Alden Richards. Kumbaga, tulungan ang nangyari. It is definitely a win-win situation.

What's his secret?

HIS ATTITUDE.


Natanong sakanya sa 24Oras kung ano ang sikreto nya. Ang sagot nya, "Tingin ka lang sa salamin tapos sabihin mo, Thank you Lord!"

Sinigurado din daw nyang may isang praise song sa kanyang album bilang pasasalamat sa mga nangyayari sakanya ngayon.

Panoorin kung paano sinabi ni Alden ang kanyang sikreto:




Let me hear your comments :) #AlDubNation

Check this out: YAYA DUB 101: 20 Things You Need To Know About Our Dubsmash Queen


,

0 comments :

Proudly Powered by Blogger.