Paki Explain: Ano ang Blockchain?

Ang blockchain ay isang uri ng teknolohiya na nagbibigay ng secure at transparent na paraan para i-record ang mga transaksyon sa isang network ng mga computer. Para mas maintidihan, narito ang example:

Halimbawa, sa pagpapadala ng pera sa isang kaibigan gamit ang Bitcoin, ang bawat transaksyon ay nare-record sa blockchain. Kapag nais mong magpadala ng Bitcoin, isinulat/ nirerecord ito sa blockchain upang malaman ng buong network na mayroong transaksyon na nangyayari. Ang bawat miyembro ng network ay nakikita ang transaksyon (transparent), kaya alam nila na nais mong magpadala ng Bitcoin. Kapag napatunayan ng network na tama ang transaksyon, naitatala na ito sa blockchain at hindi na ito maaaring baguhin (secure).

Sa industriya ng supply chain management, ang blockchain ay ginagamit upang i-record ang bawat hakbang ng produkto mula sa supplier hanggang sa customer. Ito ay nagbibigay ng transparency sa lahat ng mga sangay ng industriya at nagbibigay ng seguridad sa mga mamimili. Halimbawa, kung bibili ka ng isang bag, maaring i-scan ang barcode nito upang malaman ang kasaysayan ng bag mula sa supplier hanggang sa store.

Rich Pinay
Logo